From: http://www.slideshare.net/LadySpy18/pandiwa-41688248
- 1. Pandiwa (Verb) LadySpy18
- 2. Pandiwa -ay salitang nagbibigay-buhay sa pangungusap dahil nagsasaad ito ng kilos o galaw ng isang tao, hayop, o bagay. Binubuo ito ng salitang-ugat at mga panlapi. Panlapi: na, ma, nag, mag, um, in, at hin Halimbawa: umiyak Salitang–ugat: iyak Panlapi: um
- 3. Aspekto ng Pandiwa •Pangnagdaan o Naganap na - ang kilos ay ginawa na, tapos na o nakalipas na. •Pangkasalukuyan o nagaganap - ang kilos ay ginagawa, nangyayari o ginaganap sa kasalukuyan. •Panghinaharap o magaganap pa lang - ang kilos ay hindi pa nagaganap at gagawin pa lamang.
- 4. Pangnagdaan o Naganap na = ang kilos ay ginawa na, tapos na o nakalipas na. = kahapon, noon, kanina, nakaraang buwan/araw = panlapi: na, nag, um, in Halimbawa: panlapi + salitang-ugat Salitang-ugat= tulog Panlapi= na Naganap na= natulog
- 5. Pagsasanay Salitang-ugat Panlapi Naganap na Kain Tayo Aral Takbo Tapon Panlapi: na, nag, um, in,
- 6. Pangkasalukuyan o nagaganap = ang kilos ay ginagawa, nangyayari o ginaganap sa kasalukuyan. = ngayon, kasalukuyan = panlapi: na,nag,um,in Halimbawa: panlapi + 2 ( 1pantig) + salitang-ugat Salitang-ugat= tulog Panlapi= na Nagaganap = natutulog
- 7. Pagsasanay Salitang-ugat Panlapi Nagaganap kain tayo aral takbo tapon panlapi: na,nag,um,in
- 8. Panghinaharap o magaganap pa lang = ang kilos ay hindi pa nagaganap at gagawin pa lamang. = bukas, mamaya, sa susunod na araw, sa lunes, sa darating na taon. = panalapi: ma, mag Halimbawa: panlapi + salitang-ugat o 2 (1 pantig) Salitang-ugat= tulog Panlapi= na magaganap pa lang = matutulog
- 9. Pagsasanay Salitang-ugat Panlapi Magaganap kain tayo aral takbo tapon panlapi: ma, mag
- 10. Halimbawa: Naganap na Nagaganap Magaganap pa lang Naganap na: kahapon, noon, kanina, nakaraang buwan/araw Nagaganap: ngayon, kasalukuyan Magaganap pa lang : bukas, mamaya, sa susunod na araw, sa lunes, sa darating na taon. Ako ay nagwalis kahapon. Ako ay nagwawalis ng bakuran. Ako ay magwawalis ng bakuran bukas.
- 11. Pagsasanay: A. Salitang Kilos o Gawa Salitang-ugat 1. umiiyak 2. kumakanta 3. lumalangoy 4. nagtatanim 5. maglalakad 6. aakyat 7. uupo 8. umiinom 9. sumasayaw 10. mag-aaral
- 12. Pagsasanay: Sagot A. Salitang Kilos o Gawa Salitang-ugat 1. umiiyak iyak 2. kumakanta kanta 3. lumalangoy langoy 4. nagtatanim tanim 5. maglalakad lakad 6. aakyat akyat 7. uupo upo 8. umiinom inom 9. sumasayaw sayaw 10. mag-aaral aral
- 13. B. Salitang- ugat Naganap na Nagaganap Magaganap pa lang 1. awit 2. salita 3. tayo 4. lakad 5. kain 6. bihis 7. laba 8. ligo 9. takbo 10. buksan
- 14. B. Sagot Salitang- ugat Naganap na Nagaganap Magaganap pa lang 1. awit umawit umaawit aawit 2. salita nagsalita nagsasalita magsasalita 3. tayo tumayo tumatayo tatayo 4. lakad naglakad naglalakad maglalakad 5. kain kumain kumakain kakain 6. bihis nagbihis nagbibihis magbibihis 7. laba naglaba naglalaba maglalaba 8. ligo naligo naliligo maliligo 9. takbo tumakbo tumatakbo tatakbo 10. buksan binuksan binubuksan bubuksan
From:www.wika.club
Pandiwa at Aspekto nito
BY 11:31 PM , HAS 10 COMMENTS
, AT
Ang pandiwa ay salitang nagsasaad ng kilos o nagbibigaybuhay sa isang lipon ng mga salita. Ito ay binubuo ng salitangugat at panlapi. Maaaring gumagamit ng isda o higit pang panlapi sa pagbuo ng salitang kilos na ito. Ang panlaping ginagamit sa mga pandiwa at tinatawag na panlaping makadiwa.
Ang aspekto ng pandiwa ay nagpapakita kung kalian nagyari, nangyayari, o ipagpapatuloy pa ang kilos.
1. Aspektong Naganap o Perpekto – ito ay nagsasaad na tapos nang gawin ang kilos.
Halimabawa:
Umalis Sa kani-kanilang mga bansa ang mga dayuhang negosyante.
Pawatas Perpektibo
Umalis umalis
Magnegosyo nagnegosyo
Bigyan binigyan
Aspektong Katatapos – nangangahulugan itong katatapos pa lamang ng kilos o pandiwa. Nabubuo ito sa pamamagitan ng paglalagay ng panlaping ka at paguulit sa unang pantig ng isang salita. Ito ay nasa ilalim din ng aspektong perpektibo.
Halimbawa:
Pawatas Katatapos
Magbigay kabibigay
Mag-ayos kaaayos
Mag-usap kauusap
2. Aspektong Nagaganap o Imperpektibo – ito ay nagsasaad ng ang inumpisahang kilos ay patuloy pa ring ginagawa at hindi pa tapos.
Halimbawa:
Pawatas Imperpektibo
Magpasalamat nagpapasalamat
Ipaalam ipinapaaalam
3. Aspektong Magaganap o Kontemplatibo – ang kilos ay hindi pa nauumpisahan at gagawin pa lamang.
Halimbawa:
Pawatas Kontemplatibo
Mabunga magbubunga
Kumita kikita
Kumilos kikilos